July 19, 2008
· Filed under Pag-ibig
Bukas na ang Battle of the Bands. Kinakabahan ako – to the highest level. Wa. Perstime ko makasali sa mga ganoong klase ng event. Ayoko ng masyadong maingay. Eh paano yan bukas? Paingayan yun syempre. Wa. Kawawa naman ang eardrums ko. (^o~)
Alam niyo ba, hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado na yata akong nag-iisip ng kung anu-ano. Kasi naman, wala na ‘kong ibang inisip kundi si Prof. Darwin. Nakaka-TORETE.
Nung Friday ay nag-krus muli ang landas namin subalit hindi ko siya nabati. Yung katabi niyang Prof. ang tinawag ko. Wala kasi akong salamin. Namalayan ko na lang na nandun siya nung dumaan na siya sa harapan ko. Pero tuloy-tuloy lang siya. Pero pag-lingon ko HULING-HULI ko na nakalingon siya sakin.
Ooops! WAG KANG LILINGON. Kinikilig ako. (~.~)
Wa. Hindi siya maalis sa isip ko. Siya na nga ang nagiging motivation ko para makapag-tapos. Gusto ko nang maging ka-level niya. Haii. Ang tagal pa ng four years. At 30 years old na siya nun samantalang 20 naman ako. Bakit. Sampung taon LANG naman ang agwat namin. Okay lang yun. Pwede pa. PWEDE PA TALAGA.
Si Lola’t Lolo nga 15 years ang agwat eh. Kitams. Mababa pa ang sampung taon. At marami rin akong kilala na ganun. So, pwede pa talaga kami. Mag-bebreak din sila ng girlfriend niyang mas matangkad sa kanya. Ano ka ba? Mas bagay kaya tayo, age doesn’t matter but height does. Goodbye girlfriend na.
Haha. Paano kaya kung mabasa ‘toh ng girlfriend niya? Haha. (^o~)
Goodluck naman sakin noh. Basta. Sana mag-Lunes na. Sana. Sana. (^_^)