July 21, 2008
· Filed under Pag-ibig, blah-blah-blah, musik, arts at iba pa
Hahaha. Natalo ang banda naming pinamagatang, ”Something Undefined”. Wahaha. Wala ako masabi. Ang totoo niyan ay exposure lang naman talaga ang hanap ng banda namin. Paano kasi, inaayawan kami ng ibang church members. Ay, sila lang pala. Ah basta. Naiingayan sila sa drums, lead guitar, base guitar at sa singer. In short, naiingayan sila sa banda.
Pero in fairness ha, magaling talaga yung nanalong banda. Ang lupeeeet ng bokalista. Jars of Clay ang Dating. Basta, malupit talaga.
Anyway, kinakabahan naman ako sa darating na reporting sa Sociology. Hai. Nakakatakot si Sir Erik. At nakakatakot naman talaga HALOS lahat ng Prof. na nameet ko na sa PLP. Well, pwera syempre ang fiancee ko na si Darwin Bonifacio at si Sir Glenn. Parehas kasi silang young & cute. Haha. Haha. Haha talaga. (^o~)
Nagtataka ka na siguro ngayon kung anong kuneksyong ng title ng post na ‘toh sa mismong nilalaman ng entry ngayon. Wala lang. Feel ko lang yun. Hahaha. (`.~)
Teka, anong oras na ba? Malapit na pala mag-9 ng gabi. Malapit na ko matulog. Eto nga pala ang mga balak kong mapanaginipan:
*Kasal namin ni Darwin Bonifacio para naman maisulat ko na sa jornal
*First birthday ng panganay naming anak para alam ko na kung gaano ka-bongga ang party ni junior para naman mapag-ipunan ko na
*Darwin Bonifacio after 10 years para kung sakali eh maka-atras pa ako sa proposal niya kung makita kong hindi na siya cute after 10 years
*Lamay ng gerlprend niya (Tawang mangkukulam: Hee hee hee) *At higit sa lahat ….