Archive for July 23, 2008

Annoyances

What’s something people do in public that really annoys you, even though it’s probably not a big deal?

–> Talking on the phone. Duh, hanap ka namn ng lugar na walang masyadong tao. Tsaka, ikaw din, naririnig mo ba ng maayos kausap mo? (^o~)

How readily do you ask strangers to stop their annoying behavior?

–> Hindi pa. O di ko lang yata maalala.

What’s something you do in public that probably annoys others?

–> Petting stray cats. Hmm, nung isang araw may epal na HM na nakita akong pine-pet yung isang muning, pinagtawanan ba naman ako.

What’s your theory about why it’s so easy to get annoyed when one is behind the wheel of a vehicle?

–> Pressure + Stress=Tantrums. Haha.

What regular, minor annoyance have you learned to tolerate?

–> Maling english grammar. Bakit? Filipino naman ang wika natin eh, ano ngayon kung mali ang grammar at ispeling nila? Hindi naman nakatutulong ang pagka-magaling ng mga Pilipino sa pag-ienglish sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

(Meme courtesy of www.friday5.org) :)

Comments (9) »

Masaya ako. Walang Kokontra

Hahaha. Ang sarap tumawa. Ang sarap mag-papetiks petiks. Ang sarap ng hindi ka nag-papaapekto sa mga sinasabi ng mga nasa palagid mo. Ang saya-saya.

Dati hindi ako marunong mag-bingibingihan sa mga pinagsasa-sabi ng mga taong nasa palagid ko. Madali akong masaktan kapag nakakarinig ako ng hindi maga-gandang bagay tungkol sa sarili ko. Ngayon, marunong na ‘ko. Kaya, ang saya ko. Kahit na may mga nang-BABADTRIP sakin, GO lang! Matuto tayong mamuhay ng masaya. Hayaan niyo na yung mga mahilig mang-badtrip. Wala tayong pake sa kanila. Ha ha ha. :D

Bukas manunood kami ng Basketball game sa Cuneta Astrodome. Ang saya! Excited na ko.

Whoohoo. Sana may makitang kakilala. SANA!

PS. (^ ^) Tinamaan ka ba?

Comments (6) »