July 25, 2008
· Filed under Dahil Kolehiyala na ako, Yamotskee, blah-blah-blah
”How Cheap the Mura”
Haii nako. Ilang oras lang ang itinagal ko sa Cuneta Astrodome, dahil ilang oras lang din akong nakatiis sa walang humpay na pag-mumura ng lalaking pangit na naka-upo sa likod ko. Argh. Ang lutong-lutong mag-mura. Akala mo wala ng bukas. Ginawa ng period ang P*^&%$I&*^@ . Nako. Kung andun ka, binuhusan mo na siya ng mainit na tubig para lang mag-tigil. Nakakainis talaga. Nakakainis.
Bakit ba kasi may mga taong ang hilig mag-mura? Ang alam ko kasi, nakakapagmura ang tao dala ng masidhing emosyon. Eh bakit may mga tao na hindi mapigilan ang sarili? Yun nga, yung tipong bawat pangungusap ay nakakalimang mura siya. Maiintindihan ko pa sana kung dahil sa matinding frustration ay mapamura ang isang tao ng malutong. Eh yung dala lang tuwa? Pwede naman sabihin, ”WOW!”. Kesa, P&*^%$*&()*%^. Haii nako.
Nako. Baka naman sabihin niyo, nagmamalinis ako masyado. Oo minsan napapamura ako, pero yung english naman. Hindi yun nakakarindi sa tenga noh. Atsaka, hindi naman yung ginawa ko ng period yung mura. Plus, nung high school lang yun. Ngayon wala na talaga.
Baka naman ngayon tumataas na ang kilay mo dahil akala mo may pinapatamaan ako sa post na ‘toh. Oo meron! Yung lalaki sa Cuneta! Ha ha.
Seriously, wala naman talaga akong pinapatamaan. Nilalabas ko lang ang hinanakit ko kay lalaking-pangit-sa-cuneta na sumira ng araw ko. Argh. :X
PS. Ui! May hindi yata ako binanggit na tao sa post ko.
PPS. Si Prof. Darwin Bonifacio! Hee hee.