Anti Mura

”How Cheap the Mura”

Haii nako. Ilang oras lang ang itinagal ko sa Cuneta Astrodome, dahil ilang oras lang din akong nakatiis sa walang humpay na pag-mumura ng lalaking pangit na naka-upo sa likod ko. Argh. Ang lutong-lutong mag-mura. Akala mo wala ng bukas. Ginawa ng period ang P*^&%$I&*^@ . Nako. Kung andun ka, binuhusan mo na siya ng mainit na tubig para lang mag-tigil. Nakakainis talaga. Nakakainis.

Bakit ba kasi may mga taong ang hilig mag-mura? Ang alam ko kasi, nakakapagmura ang tao dala ng masidhing emosyon. Eh bakit may mga tao na hindi mapigilan ang sarili? Yun nga, yung tipong bawat pangungusap ay nakakalimang mura siya. Maiintindihan ko pa sana kung dahil sa matinding frustration ay mapamura ang isang tao ng malutong. Eh yung dala lang tuwa? Pwede naman sabihin, ”WOW!”. Kesa, P&*^%$*&()*%^. Haii nako.

Nako. Baka naman sabihin niyo, nagmamalinis ako masyado. Oo minsan napapamura ako, pero yung english naman. Hindi yun nakakarindi sa tenga noh. Atsaka, hindi naman yung ginawa ko ng period yung mura. Plus, nung high school lang yun. Ngayon wala na talaga.

Baka naman ngayon tumataas na ang kilay mo dahil akala mo may pinapatamaan ako sa post na ‘toh. Oo meron! Yung lalaki sa Cuneta! Ha ha.

Seriously, wala naman talaga akong pinapatamaan. Nilalabas ko lang ang hinanakit ko kay lalaking-pangit-sa-cuneta na sumira ng araw ko. Argh. :X

PS. Ui! May hindi yata ako binanggit na tao sa post ko.

 

 

PPS. Si Prof. Darwin Bonifacio! Hee hee. :)

8 Responses so far »

  1. 1

    winkii said,

    haha. grabe. head over heels. xD

  2. 2

    xixichigo said,

    WINKII: Oi! Bakit palagi na lang yun ang napapansin mo. Mag koment ka naman sa ibang bagaii. hehe

  3. 3

    nadine said,

    haha. ilang oras kayo dun?
    hihi kame ata mga 2 or 3. tapos alam mo?
    kabuict PE teacher namin. ang arte sa attendance.
    di niya daw coconsider pagpunta namin kasi
    di pinasa ng president namin yung attendance
    during the game/or after. eh wala naman siyang
    sinabi na ipapapasa!! grrrr.

    Bat nagmega kau? me powerboooks din sa MoA!!
    parang playground nga ng mga tiga-PLP yun nung araw na yun! Haha. Try mo sa MoA minsan! exciting
    kaso ingat na tayo nekz time sa mga manggogoyo!!..

    Lam mo! Agree ako sayo! kakabanas mga taong
    mura ng mura, yung parang language na nila yung
    mura! sarap sapakin. dat sinapak mo!! haha :D

  4. 4

    winkii said,

    eto na.
    nabubuwisit din ako sa mga taong sobrang kada maayos na salita eh may kaakibat na mura.. yung parang.. “talagang h@y*p yang g@*gong yan.. PI!!” hahaha.. grabe.

  5. 5

    xixichigo said,

    NADINE: Sino bang Prof. niyo sa PE? At bakit naman kasi hindi pinasa nung presidente niyo?
    Ewan ko bakit kami nag-MEGA. Siguro kasi ayaw ko sa MOA dahil ang laki-laki niya at natatakot akong mawala.
    Hee hee.
    OO nga noh? dapat sinapak ko! SAYANG!
    sige neks time, pag nakarinig ulit ako ng ganun!!

    WINKII: Ayun! Haha. Xamat. Gusto ko lang malaman ang side mo sa post ko. Akala ko naasar ka sa post ko. Haha. Wala lang. Hindi ka kasi nag-reak eh ^^

  6. 6

    Richmond said,

    Maybe he has an oral fixation.

  7. 7

    Indie Sikat said,

    Hay. Are we? Thought seven. Sorry.

  8. 8

    xixichigo said,

    Indie sikat: ano daw?


Comment RSS · TrackBack URI

Say your words