July 26, 2008
· Filed under Hit List, kinahuhumalingan
10. Polka dots suspenders na nakita ko sa SM Department Store…
—Babalikan ko yun. Ang kyut-kyut nun, para ‘kong nakasuot ng maraming istroberis. Haha.
9. Istroberi Napsak…
—Yung hugis istroberi talaga, tapos malambot at malaki! Wow. Siguro ‘pag nag-karoon ako ng ganoong bag eh malayo pa lang makikilala na ‘ko. At syempre, ma-eekspres ko ang aking lab por istroberis. Saraap! :>
8. Istroberi Shus…
—Marami na akong nakitang ganun, eh. Meron si Gail. Tapos meron din sa SM Department Store. Kaso, yung sa SM peep toe. Masyadong girlie. Yung sa Sketchers naman, ang kyut-kyut kaso lang dalawang libo. Grabe! Mabubutas bulsa ko dun eh, kabilaan pa. ;p
7. Libro ni Meg Cabot…
—Ang huling libro niya na nabasa ko eh yung regalo pa sakin ni Vieira nung Pasko; Missing: Safe House. Namimiss ko na siya, grabe.
6. Maraming-maraming Statement Tees…
5. Music Gadget…
—Namimiss ko ng mag-patugtog ng Only Happy When It Rains, Summer Sunshine at There She Goes bago matulog. Haiiiks, ang pinapakinggan ko na lang ngayon ay ang pag-talbog talbog ng mga bagay-bagay sa aking breyn at ang paminsan-minsang pag-patak ng ulan. Kailangan ko na ng alternative.
4. Bagong Heyr Kat…
—Pero ang iksi pa ng buhok ko ngayon. Kapag nag-pagupit na naman ako ay iiksi na naman siya ng sooooobra. Anong kayang magawa sa buhok ko? Nanghihinawa na ako eh.
3. Pastel Kolored Pants…
—Yung pink o kaya yellow o kaya purple. At kung pwede ay yung matching sandals na rin na kakulay nung pantalon. Haiiz. Ang kyut-kyut.
2. Bagong Iskul shus…
—Nasira na yung bagong bili kong flat shus at ngayon ay nag-titiyaga akong mag-heels. Haro? Ang hirap kaya mag-heels. Daig pa ang nag-lakad sa balance beem.
1. Bagong Boypren, este, Bolpen. 