Kreybings :D
July 26, 2008
· Filed under Hit List, kinahuhumalingan
10. Polka dots suspenders na nakita ko sa SM Department Store…
—Babalikan ko yun. Ang kyut-kyut nun, para ‘kong nakasuot ng maraming istroberis. Haha.
9. Istroberi Napsak…
—Yung hugis istroberi talaga, tapos malambot at malaki! Wow. Siguro ‘pag nag-karoon ako ng ganoong bag eh malayo pa lang makikilala na ‘ko. At syempre, ma-eekspres ko ang aking lab por istroberis. Saraap! :>
8. Istroberi Shus…
—Marami na akong nakitang ganun, eh. Meron si Gail. Tapos meron din sa SM Department Store. Kaso, yung sa SM peep toe. Masyadong girlie. Yung sa Sketchers naman, ang kyut-kyut kaso lang dalawang libo. Grabe! Mabubutas bulsa ko dun eh, kabilaan pa. ;p
7. Libro ni Meg Cabot…
—Ang huling libro niya na nabasa ko eh yung regalo pa sakin ni Vieira nung Pasko; Missing: Safe House. Namimiss ko na siya, grabe.
6. Maraming-maraming Statement Tees…
5. Music Gadget…
—Namimiss ko ng mag-patugtog ng Only Happy When It Rains, Summer Sunshine at There She Goes bago matulog. Haiiiks, ang pinapakinggan ko na lang ngayon ay ang pag-talbog talbog ng mga bagay-bagay sa aking breyn at ang paminsan-minsang pag-patak ng ulan. Kailangan ko na ng alternative.
4. Bagong Heyr Kat…
—Pero ang iksi pa ng buhok ko ngayon. Kapag nag-pagupit na naman ako ay iiksi na naman siya ng sooooobra. Anong kayang magawa sa buhok ko? Nanghihinawa na ako eh.
3. Pastel Kolored Pants…
—Yung pink o kaya yellow o kaya purple. At kung pwede ay yung matching sandals na rin na kakulay nung pantalon. Haiiz. Ang kyut-kyut.
2. Bagong Iskul shus…
—Nasira na yung bagong bili kong flat shus at ngayon ay nag-titiyaga akong mag-heels. Haro? Ang hirap kaya mag-heels. Daig pa ang nag-lakad sa balance beem.
1. Bagong Boypren, este, Bolpen. 
Meg said,
July 26, 2008 @ 10:41 am
istroberis. ang tamis.
xixichigo said,
July 26, 2008 @ 10:46 am
Haha. Oo nga eh. Buti ka pa yan ang sinasabi mo, yung iba kasi sinasabi,ang asim daw ng istroberis.
winkii said,
July 26, 2008 @ 10:55 am
hehe. maasim nga. pero matamis tignan. hehe
xixichigo said,
July 26, 2008 @ 11:01 am
Winkii: Kitams. Maasim siya pero may tamis. Basta, ansaraaap. Haha. lalo na pag shineyk sa gatas at yelo. Brrrr, saraaap talaga.:D
prinsesamusang said,
July 26, 2008 @ 2:20 pm
ayun nakita din kita. salamat sa pagdaan sa blog ko, at oo masaya ako na gusto mo ko ilink kaya syempre oo ang sagot ko sa tanong mo. kasi hindi ko mapindot ang link mo mula dun sa comment mo sakin nakakainis nga eh kaya natagalan ako mapadaan dito.
prinsesamusang said,
July 26, 2008 @ 2:21 pm
tsaka napa isip ako… ano kaya yung mga naaping istroberi?
xixichigo said,
July 27, 2008 @ 11:19 am
PRINSESAMUSANG: Masyadong komplikado ang istorya ng mga naaaping istroberi na nililigtas ko. Isa pa, ayaw nila maekspose ang kanilang identity. Shy type kasi sila.
Hangkyut naman ng avatar mo. Anong pangaln ng pusa na yan? Hehe. KYUTKYUT.
pRinCesS_V said,
July 27, 2008 @ 11:23 am
..gusto ko rin nung #1 sa list mo..
..san nakakabili nun??
..may istroberi jam dito sa bhay.. gusto mo??
xixichigo said,
July 27, 2008 @ 11:47 am
BIEPEP/PRINSESA_V: Saan sila nabibili? Kung san-san lang! Yung iba pwede mo nga arkilahin eh. Diba astig.
istroberi jam? wow. teka. miss na kita, bonding naman tayo kung kelan,
Indie Sikat said,
July 28, 2008 @ 2:16 am
the akismet thing counts the number of spam comments intruding your blog.