Abnoy (@.@) : ang saya maging abnoy

Wala na akong mahihiling pa. Ang sarap maging abnoy.

Hindi naman ako ganito dati. Piling normal naman ako noon. Lalo na siguro nung 1st to 3rd year ko sa RHS. Haha! :) Kahit na ba kultura na maging abnoy sa RHS, mas naging abnoy ako nang mapag-isa ako sa SJKHS.

Sa mga hindi nakakaalam ng rason kung bakit ako lumipat ng skul after ng first day of classes nung 4th year ako, wag niyo na ‘kong tanungin kung bakit. Mahihilo lang kayo dahil abnoy na ko simula nun. Walang kwentang rason lang. Eeer. Abnoy nga eh. Wag ka na kumontra. 

Nung normal pa ako,  ayoko masasabihan ako ng weird, syempre sino ba naman ang gusto nun noh? Pero ako, masayang-masaya slash kinikilig ako kapag ginagamit ang salitang iyan para idescribe ako. (* *,)

Nung normal pa ako, maliit na issue tungkol sakin nag lulupasay na ako sa pag-iyak. Mabilis akong masaktan. Pero ngayong big time abnoy na ‘ko, wala akong pakealam kahit ano pang issue ang lumabas about sakin. Soooo what?

Siguro mas naging mature ako nung naging abnoy ako. Dati ayaw ko mag-iisip ng mga bagay-bagay dahil sumasakit ang ulo ko. Pero narealize ko na ito pala ang remedy sa pag-sakit ng ulo ko. Ilang ulit ko bang sasabihin na masarap makinig ng pag-talbog-talbog ng mga bagay-bagay sa utak. Madalas ko ring kausapin ang aking sarili. At hindi lang basta-basta kinakausap ang sarili, okay? Inaaway at minsan sinasaktan ko pa ang sarili ko kapag naiinis ako sa kanya na si ako. Basta, abnoy nga eh. Wag ka na kumontra.

Masarap ding mag-sulat at mag-basa sa dilim. Oo alam ko, nakakasira ng mata -blah-blah, pero itry mo. Pag tulog na lahat ng kasama mo sa bahay, ilabas mo na ang flashlight at mag sulat ka. Kapag medyo nakaka adjust ka na sa darkness, wag ka na gumamit ng flash light. Promise! Masaya slash masarap gawin yan.

Siguro mas nakilala ko ang sarili ko dahil sa mga kakaibang ginagawa ko. Mas naintindihan ko kung bakit ako si ako.

Nakatulong din siguro sa paglalala ng abnoyness ko ay nung iwan ako ng mga ate kong mag-isa. Dati kasi super ASA! ako sa kanila when it comes to my decisions. Ngayong nakatira na sila sa ibang lugar at mag-isa nga lang ako sa kwarto dahil nga wala na sila ay mas nagkaroon ako ng time iexplore ang laman ng utak at konsensya ko.

Basta. Marami akong natutunan dahil sa pagiging abnoy ko.

PS. Nanaginip ako nung isang araw. Murder Dream! Hindi nga ako makahinga pag-gising ko eh. Si super abnoy bff fyds kasi hinawaan ako ng bad-dream syndrome niya eh.

Pps. Nakausap ko si Prof. Darwin nang masinsinan nung july 28. lab it. (^o~)

7 Responses so far »

  1. 1

    winkii said,

    sana si Prof. Darwin na lang ang napanginipan mo.. at kahit siguro si Prof. Darwin yung murder, sweet dream pa rin yun sa’yo. haha

  2. 2

    winkii said,

    i mean murderer..

  3. 3

    princess_v said,

    …so this means abnoy din ako..

    ..positive ako ng lahat ng symptoms na sinabi mo…

    …i feel so alone..

    ..wala ako makausap..

    ..kaya nga nagiging abnoy na ulet ako eh..

    ..kinakausap ang sarili..

    ..bwct kasi mga lalake eh..

    ..ang hirap magdcxon..

    …keep safe..be happy..

    ..princess_v..

  4. 4

    nadine said,

    haha apir :D
    ako ren aman abnoy.
    wuuuu!:D

  5. 5

    nadine said,

    lab na lab mo talaga si prof darwin o xD

  6. 6

    zzzzz said,

    abnoy nga.

  7. 7

    grazhie said,

    wag k mag-alala….

    aq din nman eh…. hehehe….

    i mean taung lhat ng tobeli snitch!!!…hehehe


Comment RSS · TrackBack URI

Say your words