Sino ba si ichigo?
si ichigo ay isang labing anim na taong gulang na freshman ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP), College of Education. Halata naman na mahilig siya sa istroberi. Ayon sa kanya ay siya daw ang taga-pagtanggol ng mga naaaping istroberi. Sige na, wag na kayo kumontra. Kapag hindi siya abala sa pag-ligtas ng mga naaaping istroberi ay nag-babasa siya ng libro, nag-iisip ng istorya at minsan sinusulat ang mga naiisip niyang istorya (pero minsan lang talaga), nag-gigitara, gumagawa ng tula, nag-susulat sa jornal, nag-iimbento ng kung anu-anong resipi, nakikipag-laro sa pusa niyang si Memeha, nanunood ng pag-patak ng ulan, nakikinig sa pag-talbog ng mga bagay-bagay sa utak niya at nag-hahanap ng bagay-bagay para ipagpasalamat sa Omniscient One na mahal na mahal niya. Ayaw niya rin kumain ng karne dahil siya ay semi-vegetarian. Madalas niya rin kausapin ang sarili niya at madalas din siyang makipag-away sa bestprend niyang si Konsensya. Mahilig din siyang mag-tantrums at hindi niya alam ang tagalog ng tantrums. Ano nga ba? Basta, kapag namumula na siya lumayo-layo ka na kung ayaw mo maka-tikim ng kahindik-hindik na pag-tatantrums. Daig pa niya ang limang taong gulang na bata na inagawan ng lolipop. Madalas din siyang makalimot at minsan nakakalimutan niya na may nakalimutan pala siya kaya ‘wag ka na mag-taka kung makalimutan niya kung sino ka. Ayaw na ayaw niya ng sinusungitan siya, nakakasira ng araw!
Ahh. Basta, kung gusto mo pa siya makilala ng husto, pwede niyo HANTINGIN at pagkatapos ay INTERBYUHIN ang mga taong ito na nasa baba:
Dahil mas kilala nila si Ichigo kesa sa sarili niya.










Indie Sikat said,
July 18, 2008 @ 2:29 am
Parang yung sa friendster.
Margaret said,
July 18, 2008 @ 7:44 am
wow, education. ano pong major mo?
Indie Sikat said,
July 23, 2008 @ 7:54 am
hindi.
Meg said,
July 26, 2008 @ 10:22 am
how cute the pics.
xixichigo said,
July 26, 2008 @ 10:43 am
MEG: How bait mo naman.
Indie Sikat said,
July 28, 2008 @ 2:21 am
Sa bagay…
xixichigo said,
July 28, 2008 @ 12:02 pm
Indie Sikat: sa bagay? ang alin?
Indie Sikat said,
July 28, 2008 @ 12:09 pm
Ang galing ng header ha. Ang cute.
ichigo said,
July 28, 2008 @ 12:24 pm
Indie Sikat: Sarkastik ba yan o ano? Di kita mahagip.
tammy_bear said,
August 23, 2008 @ 4:38 pm
weenk. mei nakita qng istobeli na couch sa mega. as in super salampakan.
pwede ring kainin. hekek. jokjok. ^___^
kahit saan ata malingat mei istobeli collectibles.
kyut kyut. di q lang ‘lam kung magkano.
kolehiyala said,
June 23, 2009 @ 3:10 pm
Hi! Interesting blog. Enjoy ure being kolehiyala.
Anyway, visit mine too.
kolehiyala.blogspot.com. Btw, i love strawberries too. Hehe.
kolehiyala said,
June 23, 2009 @ 3:12 pm
oopss. kolehiyalalife.blogspot.com pla. Ciao!