LIMANG dahilan kung bakit walang nanliligaw sakin:
5. Hindi ako kyut. Oo. Dahil kung kyut ako may nanligaw na sana sakin.
4. Salbahe ako. Oo. Dahil kung mabait ako may nanligaw na sana sakin.
3. Pandak ako. Oo. Dahil kung matangkad ako may nanligaw na sana sakin.
2. Short-haired ako. Oo. Dahil gusto ng boys inaamoy ang buhok ng gerlprend nila. Mahirap amuyin yung sakin masyadong maiksi. (LOLS
)
1. Bata pa ako. Oo. Dahil kung 26 years old lang sana ako ngayon niligawan na ko ni…
LIMANG dahilan kung bakit masaya maging single:
5. Nakakapag focus ako sa pag-aaral. No boyfriend, no hassle.
4. Naeenjoy ko ang company ng mga prends ko. Walang istorbo.
3. Pwedeng hindi magload. Kahit pa amagin pa ang cellphone ko, walang maghihintay ng text ko.
2. Walang hihintayin, walang mang-iindyan. Walang magbibigay ng kung anu-anong rason kung bakit hindi siya nakapunta. Walang mag-papakyut mapatawad mo lang. WALA!
1. Pwede akong mainlab kay Prof. Darwin hanggang gusto ko nang walang kumokontra at nagseselos!
LIMANG dahilan kung bakit gusto ko magkaboyprend…
5. May maghahatid sakin sa sakayan. Kasi masayang may hihila sayo bago ka sumakay tapos bubulungan ka niya ng “i lab u”. Diba? Nakakamiss na yun.
4. May mag-aalala kapag may sakit ako. Masaya yung may mag-tetext sa’yo kapag may sakit ka. Yung kahit na may sakit ka gusto mo pumasok kasi gusto mo siya makita. Hoow sweet.
3. Kapag may umaway sa’yo alam mong kahit anong mangyari kakampihan ka niya. Alam mong hindi ka mawawalan ng kakampi kahit anong mangyari. Alam mong hindi ka mag-iisa. Alam mong andyan lang siya. Alam mong mahal ka niya. Aaaaaww.
2. May 100th Day anibersayong icecelebrate. Kahit na hindi pa ‘ko nagkakaboyprend na umabot ng 100th day o kaya kahit isang buwan man lang, gusto ko pa rin pangarapin yan. haiiks. (-_-)@
1. Gusto ko lang may magmahal sakin. period. enough said.
LIMANG bagay na hinahanap ko sa isang lalaki:
5. Matalino. Yung hindi lang school-bound ang intelligence. Gusto ko yung makakausap ko rin siya about anything-and-everything under the sun at marami siyang alam! Kahit na mag-usap kami tungkol sa kasong sinampa kay Vanessa Anne Hudgens eh makakarelate siya. O kaya pagnakipag-debate ako tungkol sa Sociology at kung gaano ka-astig ang prof ko sa Socio eh may ibubuga siya.
4. Hindi HAMBOG. Ayoko sa BRA: Brainy. Rude. &Arrogant. Ang sarap ingud-ngod sa putikan. Bwahaha.
3. Magaling pumorma. Tandaan: Daig ng di kagwapuhan na magaling pumorma ang gwapo pero kasumpa-sumpa ang pananamit. Period.
2. Kailangan stick to one. Dahil ayoko. ng. may. kahati!
1. Weirdo. Yung tipong sabay kami mag-tetemper tantrums at magkaka-moodswing. Yung makakarelate sa mga ginagawa kong kakaiba. Yung tatanggapin ako kung ano ako. Yung may SOMETIMES. Basta, ayoko ng normal!! (^_^)
LIMANG bagay na gagawin ko wid my boyprend:
5. MaghaHunting kami ng Istobelis. Wheee. Ansaya naman nun. Tapos kapag may nakita akong stuff na type ko, bibili din siya dapat. Haha! Para parehas kami. Gagawin ko siyang Mr. Strawberry.
4. Magbubook marathon kami. Paunahan mag-basa ng libro!! Yihaaaaa.
3. Magkukwentuhan. Wala ng mas hihigit pa sa masayang kwentuhan.
2. Magtititigan. Hanggang sa maluha. Tapos yung maunang kumurap manlilibre ng BURGER! BURGER!
1. Maglalaro ng gameboy, o ng basketball o ng badminton o ng kahit anong hilig niyang gawin. Basta ang mahalaga kasama ko siya!